Ano bang mga sagot sa mga katanungan na ang sagot ay katanungan rin? Mga balangkas ng banghay sa pagpapalawak ng ating mga sarili. Pataasan ng bilang! Palakasan ng katawan! At palawakan ng alam!
Pagtuklas nito'y kaakibat' kapalit ang kinabukasan. Ano na? Bakit pa? Pa'no na? Saan ako babaybay? Tatamuhin ko pa ba ang gusto kong tahakin? May saysay pa ba ako pagdating sa aking sarili?
Kayong iilan at nakararami na nagtatakip ng madilim na kumot sa liwanag naming tinatanaw. Nabubulag, nabibingi, at napipipi, maging kami'y may pagkatao rin mula sa impluwensiya ng pananakot! Mga krimen! At buhay na pinaparalisa
Subalit narito ako! Akong nagmamakaawang sumisigaw ng aking mga daing matuloy lamang ang pangarap ay tila patay sindi na lamang. Edukasyon at paniniwala ang siyang dala't bitbit para masilip kung ano ba ang tuwid o baluktot.
Kami na lang, kami na lang ang bubuo ng dapat buohin! Sasarilihin ang sinag mula sa Kanyang biyaya. Hangga't ayaw niyong itigil ang inggit, ganid, at poot. Sa isang sulok lang ako mananahan habang uunti-untiin, ang mga pangakong mula inyo na binabasag at dinudurog. Hangga't ang bulyaw, ingay, at pagsabog ay walang humpay, dito lang ako!
Ngunit sinasabi ko, hihintayin ko pa ring tuwirin ang daang aming lalakarin at tatamuhin. Naiintindihan ko at iintindihin ko na kaya pinapahid niyo muna ang luha ko sa aking pag-iyak sa halip na unahin niyong pansinin ang tuhod kong nasugatan upang ipalimot ang masamang nangayri at positibo naming harapin ang daang nayuyurak na.
Marunong na kaming humindi at sumang-ayon. Pagkamit ng ideolohiya na naging sandigan sa pag-hubog ng aming anyo. Relihiyon na may pananampalataya, aklat na may Edukasyon, at lakas ang nakataya makisapi lang sa mundo.
Kabataan isinisiwalat, mamulat, lumapit, taglayin ang katotohanan. Hayaan nating ipanangga ang ating sarili para sa nararapat! Maging sandata upang lumakas ang mahihina! Tumuwid ang mga buktot, at nang mabuhay dala-dala ang apoy na nag-aalab at nagsasabing; "Ang pag-asa ay ako, ako ang pag-asa!"
Mukha ng Kabataan sa makabagong Bayan!

Walang komento:
Mag-post ng isang Komento